Friday, February 29, 2008
naiirita ako.
Watching?A local teen flick starring
Jodi Sta. Maria, Patrick Garcia, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Baron Geisler, Alessandra de Rossi, Diether Ocampo, Onemig Bondoc at kung sino-sino pa.
Hindi ba halata na hindi ko alam yung title nung movie?
Eh bat ba. Mukhang maganda siya eh. Nakakatawa. Yung naabutan kong eksena caught-in-the-act si Jodi and si Patrick na may...ginagawang...kababalaghan. Well hindi naman. Pero halos ganon narin ang daloy nung kuwento.
Ay punyeta. Tapos na.
Mukha pa namang maganda.
Badtriiiip.***
Naiinis ako ngayon.
Unang una, ang pinakaayoko sa lahat ay ang
nagmumukhang tanga...at pinagmumukhang tanga. Buwisit. Alam kong hindi ako tanga. Oo, inaamin ko, marami na akong mababaw at hindi mababaw na katangahan, pero gusto ko ako lang ang makakapansin non. Ako makakapansin, ako ang makakapagsabi sa sarili ko na mukha akong tanga. O nagmukha akong tanga.
Pangalawa,
napakaingay ng section na katabi namin kanina. Nag'd'diagnostic test kami, tas sila nagsisigawan. Parang kinakatay. Mawalang-galang na ho ah. Hindi naman namin kasalanan kung wala kayong pakialam sa Diagnostic tests niyo eh. Tanginang nerd na kung nerd. Nakaka-offend, nakaka-bastos, nakakahilo. Nagbabasa ako ng isang seleksyon sa Filipino exam na hindi ko maintindihan kasi nadidistract ako. Tapos sasabayan pa ng mga magiting kong kaklase. Siyempre patatahimikin ko sila. Siyempre hindi sila nakikinig. Kaya sa dulo, maingay kaming lahat.
Pangatlo, unti-unti nang dumadami ang
tarantado sa eskwelahan namin. Mga punyetang tarantadong walang magawa sa buhay. Barilin ko kayo eh. Ekstinct esfeyshees (extinct species) na yata ang mga magagalang na binata.
Pangapat, napakainga ng mga busmate kong 1st year
(AT HINDI KO SINASABI TO DAHIL FRESHMEN SILA. sigawan ka ba naman sa tenga eh.). Bigla ba namang sumigaw ng "TRAFFFIIIIC" pagkakita ng buhol-buhol na sitwasyon ng mga kotse sa labas ng aming eskwelahan dala ng iginaganap na
From. From.
Hindi Prom. From. Nakakabalahaw naman talaga ang boses ng katabi ko. Ang sakit sa tenga. Naka-iPod na ako ng ganyang lagay. Kaya pala napagalitan yung section niya kanina.
Tapos sabi nung driver na magbayad raw kami ng P5 tig-isa para makadaan sa
Friendship Route. Kasi nga yung traffic. Mga anak ng putakte. Limang piso nalang ayaw pa magbayad. Nagbayad na raw sila. Sabi ko sainyo ayokong pinagmumukha akong tanga. Ayoko talaga. Kahit ganong kababaw. Sarap pababain eh.
Panglima, kagabi lang, suka ako nang suka. Kadiri. Pero totoo. Hindi ko alam kung bakit. Bigla lang akong nagising ng mga 10 ng gabi, ang sama sama sama ng pakiramdam ko. Hindi ko ma'describe yung pakiramdam. Basta kahindik-hindik siya. Parang hang-over. Kahit di ko alam kung ano ang pakiramdam ng hang-over. Pero ano ba. Talagang ang pangit nung pakiramdam. Parang masakit yung ulo na nahihilo na nasusuka. Sinubukan kong sumuka pero walang lumalabas.
Maya-maya, napahiga ako sa (anong tagalog ng lap?) lap ng nanay ko na lumabas ng kuwarto para malaman kung ano ang meron sakin. Kinuha niya yung basurahan. Pagkaupo ko...
...Ayun. Makikita mo yung Halaan (clams) at Galunggong na kinain ko nung gabing iyon.
Kadiri. Dyowk lang yun. Pero nasuka na ako.
Pinainom niya ako ng tsaa pati tubig.
Sinuka ko rin yun.
Pinakain niya ako ng skyflakes.
Sinuka ko rin yun.
Pero OK na ako ngayon.
Naiinis lang ako kasi bibihira ako mag-enjoy ng seafood tapos isusuka ko pa maya-maya. Sinisikap ko talagang i-enjoy ang seafood kasi yung mga kaibigan ko mahilig. Yung kras ko hindi ko alam kung mahilig, pero siguro mahilig siya. Tsaka hindi naman pwede na mapili ako sa pagkain,diba? Kaya sinisikap ko na mahiligan ang seafood.
Tapos isusuka ko rin. Pwe.
Pang-anim. From ngayon sa school. From. Hindi Prom. Nakakabanas kasi ang gwapo-gwapo ng kras (si dude #1) ko pati nung gelplen niya. Oo, gwapo rin yung gelplen niya. Joke lang. Ang ganda-ganda niya. Ang ganda ganda nila tignan. Nakakabanas kasi alam ko sa From (Hindi Prom.) ko next year hindi ganun. Kasi alam kong kahit kailan, hindi kami magiging ganun ng kras ko na isa...pati yung isa pa. Kasi yung isa...nasa kolehiyo na. Yung isa naman...eh mas matanda sakin.
At tutal, extinct na rin sa eskwelahan namin ang desenteng, gwapong, mas matangkad sakin, hindi pat-patin, marunong manamit, magalang at pinakaimportante: available na binata na ka-edad ko, kaya hindi ko rin maaasahan yung mga yon. Ang sweet sweet nilang dalawa, lalanggamin na sila. Tapos ang ganda-ganda nila tignan.
Naiinggit ako. :-( Kelan kaya matutuloy ang From dream ko? Dalawang taon nalang ang nalalabi sa high school.
Pang-pito. Gutom na ako. Kaya ako naiinis. Sabi ko sa nanay ko huwag siya bumili ng junk food para tumigil na ako sa kakakain. Eh malas ko, may junk food sa school. Iskwa-skwa naman o. Kaya walang junk food sa bahay ngayon. Kailangan ko ng sugar para mabuhay. Parang awa niyo na.
Pang-walo. Kahit gaano ko lokohin ang sarili ko... tarantado parin ang tarantado.
***
Nakakapanibago't nagtagalog ako ano?
Eh kasi sabi nila nosebleed raw blog ko.
Ayoko namang isipin nilang conya ako't hindi marunong magtagalog.
Ang walang kwenta naman kung blog ako ng blog hindi naman naiintindihan ng mga kababayan ko.
Ano daw?
***
Wala ako sa mood na magreply sa mga tag at comment niyo. Baka sungitan ko lang kayo eh. Iniisip ko lang ang mga kapakanan niyo.
at
2 Comments: